MMDA inabisuhan ang mga motorista sa isasagawang full scale APEC convoy dry run bukas

APEC2015_iconMagsasagawa ng full scale APEC convoy dry run bukas sa mga kalsadang daraanan ng mga delegado.

Kaugnay nito, inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na bibiyahe bukas, araw ng Sabado, November 14.

Magsisimula ang dry run ng convoy alas 7:00 ng umaga.

Ayon sa MMDA, para hindi maabala, mabuting iwasan na ng mga motorista ang dumaan sa mga sumusunod na lansangan:

– Ayala cor. EDSA from NAIA Terminal 3
– Skyway from NAIA Terminal 3 patungo at galing sa EDSA
– Ayala
– Buendia
– Buendia Extension
– Taft Avenue
– Kahabaan ng Roxas Boulevard
– Coastal Road patungo sa NAIA Terminal 1

Kabilang sa gagawing pagsasanay ang aktwal na pagsasagawa ng convoy sa mga delegado mula sa mga hotel na kanilang tutuluyan patungo sa mga venue ng APEC summit.

Read more...