Nag-usap na sa telepono sina Pangulong Benigno Aquino III at Russian President Vladimir Putin.
Kasunod ito ng abiso ni Putin na hindi siya personal na makakadalo sa APEC leader’s meeting sa November 18-19.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, nag-usap ang dalawa kagabi patungkol sa Russia-Philippines bilateral relations at sa partisipasyon ng Russia sa APEC summit sa susunod na linggo dito sa Maynila.
“I can confirm that President Vladimir Putin called President Aquino last night to discuss matters related to the Philippines and Russia bilateral cooperation, and, of course, about the participation of Russia in the APEC Summit here in Manila in the coming days,” ayon kay Valte.
Sinabi ni Valte na ipinaliwanag ni Putin kay pangulo kung bakit ito hindi makakapunta dito sa Pilipinas.
Tiniyak naman ni Pangulong Aquino kay Putin na naiintindihan niya ang rason nito at kahalagahan kung bakit ito kailangang manatili sa Russia para asikasuhin ang mga kinakaharap nitong domestic issues.
Ipapadala ni Putin na kumatawan sa kanya sa APEC leader’s meeting si Russian Prime Minister Dimitry Medvedev.