Provincial Peace and Order Council ng Zamboanga Sibugay suportado ang pagpapalawig ng martial law sa rehiyon

Naglabas ng resolution ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) ng Zamboanga Sibugay upang ipakita ang kanilang suporta sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Zamboanga Sibugay Governor at PPOC chairman Wilter Yap Palma, sinusuportahan niya ang extension ng batas militar dahil sa positibong idinudulot nito lalo na sa peace and order sa kanilang lalawigan.

Paliwanag pa ni Palma, iba naman ang umiiral na batas militar ngayon kung ikukumpara sa martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Aniya, sa martial law ngayon sa Mindanao, nakatutuok ang pamahalaan sa pagprotekta sa karapatang pantao.

Binanggit pa ni Palma ang report mula sa militar kung saan nakasaad na bumaba ang bilang ng krimen sa rehiyon simula nang ipatupad ang martial law.

Sa pamamagitan din aniya ng martial law ay hindi na nagdadala ng mga armas ang mga residente at nabibigyan ang mga otoridad ng mas malawak na kapangyarihan upang puksain ang mga security threats sa Mindanao.

Read more...