Bumiyahe na sa mga riles ng Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) ang ikalawang Dalian Train kahapon.
Kinumpirma ito ni MRT-3 Director for Operations Mike Capati sa INQUIRER.net at sinabing ang ikalawang set na ito ng Dalian train ay sumasailalim na sa 150-hour test.
Matatandaang noong October ay pinatakbo ang unang Dalian train para sa 150-hour test at natapos na noong Nov. 21.
Kailangan ang 150-hour test para tuluyang ideploy ang naturang mga tren.
Ang unang Dalian train ay ibinalik sa MRT-3 depot para sa ulat ng Philippine National Railways (PNR) tungkol sa naging performance nito.
Binili ang Dalian trains noon pang nakaraang administrasyon na sinasabing hindi akma sa sistema ng MRT-3.
Kamakailan lamang ay binatikos ni Sen. Grace Poe, ang napakatagal na panahon para lamang makapagpatakbo ang bansa ng isang set ng Dalian train.