PNR, naglabas ng train schedule para sa APEC week, LRT at MRT, regular ang operasyon

PNR FB pageIpinaalala ng Philippine National Railways o PNR sa mga commuter ang kanilang train schedule sa panahon ng APEC leaders meeting sa susunod na linggo.

Ayon sa PNR, regular ang train schedule sa November 17 at 20.

Ibig sabihin, ang biyahe sa Tutuban-Alabang route ay mula 5:05 ng umaga hanggang 7:05 ng gabi, habang ang Alabang-Tutuban route ay mula 5:30 ng umaga hanggang 7:30 ng gabi.

Pero sa November 18 at 19, ipatutupad ang holiday train schedule o “every one hour” ang biyahe ng mga tren, North at South bound.

Samantala, sinabi ni MRT General Manager Roman Buenafe, regular train schedule ang pairalin sa MRT-3 sa APEC 2015.

Para naman sa LRT line 1 at 2, sinabi ni LRT Spokesperson Hernando Cabrera na regular ang biyahe ng kanilang mga tren sa APEC week.

Read more...