EDSA, idineklara ng MMDA bilang self-discipline zone

Idineklara ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang EDSA bilang traffic discipline zone o self-disicipline zone para sa mga motorista.

Ayon kay MMDA Traffic Manager Bong Nebrija, ibig sabihin nito, kahit walang enforcer ay dapat sumunod ang motorista sa batas trapiko.

Pinayuhan ni Nebrija ang mga motorista na magbigay ng kortesiya sa kapwa motorista, panatiliin ang disiplina at sundin ang traffic rules.

Naka-focus ngayon ang ahensya sa re-education o pagpapaalala sa mga motorista ng mga batas trapiko imbes na hulihin agad ang lumabag.

Nais tanggalin ni Nebrija ang pag-iisip ng driver na malaking karerahan ang EDSA kung saan unahan sa pasahero at palakihan ng kita sa biyahe.

Dapat aniyang isantabi muna ang sariling kapakanan at isipin din ang kalagayan ng ibang bumabagtas sa EDSA.

Read more...