Bomb expert ng BIFF naaresto sa North Cotabato

Mentang (1)
PHOTO RELEASE / AFP

Nagsanib puwersa ang militar at pulisya para hulihin ang isang bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Pigcawayan, North Cotabato.

Isinilbi kay Abdul Manap Mentang sa kanyang safehouse sa Barangay Panatan ang warrant of arrest na inisyu ng mga korte sa Davao City at Cotabato City dahil sa mga kasong multiple murder at multiple frustrated murder.

Itinuro si Mentang, na dating senior bomb expert ng MILF, na responsable sa pambobomba sa sasa Wharf at Ecoland Terminal sa Davao City noong taong 2003 na nagresulta sa pagkamatay ng dalawampu’t-apat na sibilyan at pagkakasugat ng mahigit 120 na iba pa.

Kabilang si Mentang sa 15-man group na sinanay sa paggawa ng mga pampasabog ng Jemaah Islamiyah noong pang 1995.

Una nang naaresto si Mentang sa Sta. Ana, Maynila noong October 2004 ngunit pinakawalan ito dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

Sa ngayon ay bantay sarado ng mga pulis sa Davao City ang nahuling bomb expert.

Read more...