Si Reyes, dating chief of staff ni dating Senador Juan Ponce Enrile, ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa Pork Barrel scam.
Sa motion for bail ni Reyes, iginiit nito na ang mga ebidensya laban sa kanya ay hindi malakas kaya marapat na payagan siyang maglagak ng piyansa.
Pero sinopla ito ng anti-graft court kaya mananatiling nakakulong si Reyes sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ang resolution ay pinonente ni Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang at bumoto sina Associate Justices Sarah Jane Fernandez, Oscar Herrera Jr. at Maryann Corpus-Mañalac. Si Associate Justice Bernelito Fernandez ay nag-dissent.
Batay sa 3rd division, sapat ang mga ebidensya ng prosekusyon na si Reyes ay tumulong na i-endorso ang mga bogus na NGOs ni Janet Lim Napoles kapalit ang mga kickback.
Bagama’t si Reyes ay nakakulong, napalaya naman at tatakbo pa sa ang dati nitong amo na si Enrile sa 2019 senatorial elections.