Cha-Cha, hindi isisingit sa joint session ng Kamara at Senado bukas – Speaker GMA

Iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi isisingit sa isasagawang joint session bukas ng Kamara at Senado ang Charter Change.

Ayon kay Speaker GMA, ang tanging pag-uusapan at pagdedebatehan bukas ay ang pagpapalawig sa batas-militar sa Mindanao.

Ang martial law at suspension of the privilege of the writ of habeas corpus lamang aniya ang kanilang agenda bukas.

Sinabi ni GMA na posibleng ngayong araw pagbotohan nila sa plenaryo sa ikatlo at huling pagbasa ang draft ng federal constitution.

Pero ayon sa House Speaker, ito ay kung mayroong 3/4 na miyembro ng Kamara ang dadalo sa sesyon.

Gayunman, marami aniya ang nagpasabi na magtutungo sa seremonya sa pagsasauli ng Balangiga bells kaya ang mga ito ay mamarkahan naman na present dahil nasa official business ang mga ito.

Kukunin na lamang aniya ang boto ng mga ito para sa pagpapalit ng saligang batas na nauna nang pumasa sa second reading ng Kamara noong nakalipas na linggo.

Read more...