Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Phivolcs lindol

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 118 kilometers Southeast ng Sarangani dakong 3:07 ng hapon.

May lalim itong 88 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...