LOOK: Pagbusisi sa 2019 national budget, bahala na ang Kongreso – Panelo

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa kongreso ang pagbusisi sa 2019 national budget.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ibunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na mayroong budget insertion ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bahala na ang Kongreso na gumawa ng corrections, amendments o adjustments.

Pinatitiyak lamang ni Panelo na pantay na mabibigyan ng patas na pondo ang mga mambabatas sa kabila ng kanilang mga political affiliations para masiguro na mabibigyan ng maayos na serbisyo ang publiko at komportableng pamumuhay.

Sinabi pa ni Panelo na iginagalang ng Palasyo ang kalayaan ng lehislatura at hindi makikiaalam ang sangay ng ehekutibo.

Read more...