Pang. Duterte hihirit ng supplemental budget para sa pabahay ng mga miyembro ng navy at air force

Presidential Photo

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na humirit sa kongreso ng supplemental budget sa susunod na taon.

Ito ay para gamitin sa pagpapagawa ng mga pabahay sa mga miyembro ng Philippine Navy at Philippine Air Force.

Ayon sa pangulo, inatasan na niya si National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. upang alamin kung may lupa bang maaaring matirikan para sa pabahay ng Navy at Air Force.

Sakali aniyang meron, inihayag ng pangulo na ihihingi na niya ito ng pondo sa kongreso sa 2019 sa harap ng kanyang kagustuhan na mabigyan ng pantay-pantay na benepisyong pabahay ang mga sundalo at pulis.

“I was talking to Escalada sabi ko na ano bilisan na nin — bilisan mo na ‘yung ibang housing units ng ano, i-prioritize mo, then start tanungin mo ang Navy pati Air Force kung may lupa ba sila. Kasi kung meron gusto ko next year sabayan na maghingi siguro tayo ng supplemental budget. Sabihin ko sa Congress na isabay-sabay natin ‘to kasi ayaw ko ‘yung may isa magtaas. Gusto ko sabay,” ayon sa pangulo.

Kung nwala namang lupang matitirikan ng housing project na para sa tropa ng Phil. Navy at Air Force, direktiba ng presidente sa NHA ay maghanap upang maisakatuparan sa lalong madaling panahon ang plano.

 

Read more...