Ito ay matapos ang magkakasunod na pagkasawi ng mga umiinom ng lambanog.
Sinabi ng FDA na minomonitor nila ngayon ang mga hindi rehistradong lambanog na nasa merkado.
Ayon sa FDA, anumang produkto na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ay delikado sa kalusugan.
Inalerto na ng FDA ang kanilang Regional Field Officers (RFO) at mga ahente ng Regulatory Enforcement Unit (REU) para matiyak na hindi na maibebenta sa publiko ang mga hindi rehistradong lambanog.
Sa isinagawang pagsusuri ng FDA sa lambanog sample mula sa Sta. City at Calamba City, gayundin sa Antipolo at Tarlac, ay nakitang mataas ang antas ng methanol ng alak.
MOST READ
LATEST STORIES