Apat patay sa aksidente sa Bataan

Inquirer file photo

Patay ang apat na katao sa aksidenteng naganap sa Orani, Bataan, Martes, Dec. 11 ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rogelio Santiago, 40 anuos; Aurelio Santiago Jr.; Raymond Tesaluna at Juvy Torres.

Naganap ang aksidente sa Gov. Pascual Road sakop ng Barangay Tugatog.

Ayon sa Orani police station, sakayuu ang mga bitkima ng Toyota Vios nang sumalpok ito sa isang bahay sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Agad nasawi sina Rogelo, Reymond at Aurelio habang idineklarang dead on arrival sa ospital si Torres.

Dadalhin sana sa ospital si Torres dahil mayroon itong sakit nang mangyari ang aksidente.

Read more...