LOOK: Mga larawan ng Balangiga Bells

Sa loob ng 117 nakatuntong na muli sa kalupaan ng Pilipinas ang Balangiga Bells.

Matapos lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City ang C130 na naghatid sa mga kampana ay isa-isa itong ibinaba.

Matapos ito ay inilabas ng crate ang tatlong kampana at saka ipinatong red carpet na inihanda para sa mga ito.

Kabilang sa mga sumalubong sa mga kampana ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Executive Secretary Salvador Medialdea at US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Photo: US Embassy in the Philippines

Samantala, simboliko din ang ginamit na C130 sa paghahatid ng mga kampana sa bansa.

Ang C130 ng US ay mayroong mukha ni Feneral Douglas MacArthur na noon ay nagsabi sa Pilipinas ng mga katagang “I shall return”.

Read more...