Tatlong silid-aralan sa isang public high school sa Sorsogon City, nasunog

Tinupok ng apoy ang tatlong silid-aralan sa isang eskwelahan sa Sorsogon City.

Ang sunog ay naganap alas 4:00 ng madaling araw ng Martes (Dec. 11) sa Celestino Tabuena Memorial High School sa Brgy. Guinlajon.

Ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police office, umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Inaalam pa ngayon kung ano ang naging dahilan ng sunog at kung ang mga nasirang gamit.

Makalipas naman ang isang oras ay naapula na ang apoy.

Read more...