Textile factory sa Valenzuela City tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang industrial area sa Barangay Rincon, Valenzuela City.

Ayon kay Fire Officer 1 Ryan Ed Tullo, nagsimula ang sunog alas 8:32 ng umaga sa isang textile factory sa Planters Street.

Alas 8:55 ng umaga nang itaas sa 3rd alarm ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Alas 10:56 naman ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Ito na ang ikaapat na sunog na naganap sa Metro Manila simula, kaninang madaling araw.

Read more...