DOH namahagi ng bisikleta sa health workers para magamit sa mga liblib na lugar

Tinatayang 100 bisikleta ang ipinamigay ng Deparment of Health (DOH) sa mga barangay health workers o BHWs sa rehiyon ng CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, para ito sa mga malalayong lugar na mahirap maabot ng transportasyon na limitado rin ang mga biyahe.

Sabi ni Janairo, kailangang tulungan ang mga BHW upang magampanan ang kanilang tungkulin at ang mga bisikleta ay magsisilbing transportasyon upang sila ay makapag-ikot sa kanilang mga barangay ng mas mabilis para makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

Ang 100 bisikleta na pinamigay ng health official ay nagkakahalaha ng kabuuang P500,000 o P5,000 bawat isa.

Ang utility bicycles ay mayroong basket na maaaring pagsidlan ng mga kagamitan ng BHW, may head light at rear track.

Read more...