Bahay at furniture shop sa Cebu, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang bahay at furniture shop sa Cebu.

Naganap ang sunog sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City, Martes (Dec. 11) ng madaling araw.

Wasak na wasak ang bahay at shop na pag-aari ng isang Wilfredo Cosep.

Ayon sa Cebu Fire Department, umabot sa Task Force Alpha ang sunog sa bahay ni Cosep.

Mabilis ang naging pagkalat ng apoy dahil sa mga materyales furniture shop.

Wala namang napaulat na nasaktan sa sunog.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Read more...