P1M halaga ng krudo nasabat sa Navotas

Aabot sa mahigit P1 milyon halaga ng krudo ang nasabat ng mga pulis sa Navotas City.

Ayon kay Senior Insp. Jason Quijana ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) galing Bataan ang mga krudo.

Hawak ngayon ng mga otoridad ang 14 na lalaki na nahuli sa aktong nagpupuslit ng krudo.

Sinabi ni Quijana na nakatanggap sila ng ulat na mayroong dalawang bangka na mayroong kargang krudo ang darating sa Navotas.

Ilang oras inabangan ng mga pulis ang dalawang bangka at nang maharang ay nasabat ang nasa mahigit 30-litro ng diesel.

Bigo ang mga lalaki na makapagpakita ng mga dokumento at permit para sa mga kargang krudo.

Umamin ang kapitan ng bangka na dalawang taon na silang sangkot sa aktibidad.

Sinabi ng CIDG na posibleng miyembro ng sindikato ang grupo at ang mga dala nilang krudo ay ibinebenta nila sa mas mababang halaga.

Pero ayon sa CIDG, dahil walang permit ay maaring kontaminado na diesel at maaring makaapekto ito sa makina ng sasakyan.

Read more...