Fire truck na reresponde sa sunog sa Maynila naaksidente, 4 na bumbero ang sugatan

Apat ang sugatan matapos bumangga sa puno ang isang truck ng bumbero na reresponde sana sa sunog sa Vitas Tondo, Maynila.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng Lopez Boulevard habang nagmamadali ang truck patungo sa sunog, Martes (Dec. 11) ng madaling araw.

Apat na mga fire volunteer ang nasugatan sa aksidente at sa lakas ng pagkakabangga ang nayupi ang unahang bahagi ng truck.

Ayon kay Erwin Saranza, isang kotse kasi ang biglang sumulpot sa kanilang unahan kaya iniwasan ito ng driver hanggang sa mabangga na sa puno.

Si Saranza ay nakaupo noon sa taas ng truck pero nagawa nitong makakapit ng mahigpit habang ang iba niyang kasama ay nahulog sa kalsada.

Agad dinala sa pagamutan ang mga sugatang fire volunteer.

Read more...