Hanging amihan lalakas pa, mararamdaman sa Metro Manila sa susunod na mga araw

Hanging amihan at easterlies ang umiiral na weather system ngayon sa bansa.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ang Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley ay makararanas ng isolated na mahihinang pag-ulan dahil sa hanging amihan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng Luzon na mayroong isolated rainshowers sa hapon o gabi.

Magiging maaliwalas ang panahon sa Visayas at Mindanao at magkakaroon lamang din ng localized thunderstoms.

Wala namang namumuong sama ng panahon sa loob o sa labas ng bansa sa susunod na tatlong araw.

Sa Huwebes at Biyernes, sinabi ng PAGASA na mararamdaman na ang epekto ng hanging amihan sa Metro Manila.

Read more...