Residential area sa Maynila at QC tinupok ng apoy

Sunog sa QC | Contributed Photo

Nasunog din ang isang residential area sa bahagi ng Tondo, Maynila.

Alas 12:25 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa bahagi ng Vitas sa Tondo.

Umabot lang sa 1st alarm ang sunog at naideklarang fire out alas 12:53 ng madaling araw.

Sa Quezon City naman, tinupok din ng apoy ang isang residential area sabahagi ng Barangay Ugong Norte.

Nagsimula ang sunog alas 3:47 ng madaling araw.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog at naideklarang under control alas 5:07 ng umaga.

Inaalam pa ng Fire Bureau kung ano ang pinagmulan at ilan ang naapektuhan ng sunog sa Maynila at Quezon City.

Read more...