Presyo ng mga produktong petrolyo may dagdag-bawas ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ng Martes, December 11, ang adjustment sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Madaragdagan ng 40 sentimo ang bawat litro ng gasolina, habang magkakaroon naman ng 10 sentimong rollback sa presyo ng kada litro ng diesel, at 45 sentimo na bawas sa halaga ng bawat litro ng kerosene.

Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng paggalaw sa kanilang mga produkto ang mga kumpanyang CPI o Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Shell, at Total.

Ito ang unang beses na magkakaroon ng pagtataas sa presyo ng gasolina matapos ang walong sunod-sunod na linggong rollback sa halaga ng mga produktong petrolyo.

Gayunpaman, kung susumahin, mula January 2018 hanggang December 4, 2018 mas marami ang naitalang oil price hike kung ikukumpara sa mga ipinatupad na bawas-singil.

Ngunit kung hindi isasama ang ipinataw na fuel excise tax ay mas malaki na ang naitapyas sa halaga ng gasolina.

Ang paggalaw sa presyo ng gasolina ay dulot ng desisyon ng Organisation of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at bansang Russia na bawasan na ang produksyon ng langis sa pandaigdigang merkado.

Epektibo ang oil price adjustments mamayang alas-6 ng umaga.

Read more...