Duterte nais na magpaliwanag si Arroyo sa umanoy P2.4B “pork”

Nais malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paliwanag ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa umanoy isiningit na pork barrel funds sa panukalang 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi ng Pangulo na may paliwanag si Arroyo kaya nais niya itong malaman.

Pero sinabi ni Panelo na nakausap na niya si Arroyo at nagpaliwanag ito na ang pondo ay galing sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at hindi galing sa mga mambabatas.

Una rito ay ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na inilaan ang pondo kay Arroyo sa pamamagitan ng mga proyekto sa kanyang distrito.

Iginiit ni Lacson na ang bilyong pisong pondo na inilaan sa distrito ng dating Pangulo ay pork barrel funds.

Read more...