2, nahulihan ng bala sa NAIA

BULLET FOUND AT PASSENGER'S BAGGAGE AT NAIA TERMINAL 3/NOV.4,2015 A bullet is found in the baggage of Rey Salado, a passenger bound for Cagayan de Oro City at the NAIA Terminal 3. Salado admitted that the bullet was his after receiving it from a friend. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Dalawa na namang indibidwal ang nahulihan ng bala Biyernes ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa report ng Philippine National Police-Aviation Security Group, ang dalawang pasahero ay magkahiwalay na nahulihan ng bala sa NAIA Terminal 3 and 4.

According to memorandums signed by Terminal 3 Police Inspector Angelie Engcot and Terminal 4 Police Chief Inspector Adriano Junio, the two were passengers headed for separate destinations.

Isang 27 anyos na babae na patungo sana sa Hong Kong ang hinarang sa Terminal 3 matapos makita sa screening ang 5.56 caliber bullet na nasa loob ng kaniyang shoulder bag.

Tinawagan umano ng nasabing babae ang kaniyang kapatid dahil iyon ang tunay na may-ari ng bag at na hiniram lamang niya,

Sinabi umano ng kapatid nya na ang nasabing bala ay ginagamit niyang anting-anting.

Tubong Itogon, Benguet ang babae at magtutungo sa Hong Kong bilang turista.

Samantala, isa namang lalaki ang hinarang sa terminal 4matapos makitaan ng live .45 caliber ammunition sa bulsa ng kaniyang bag.

Patungo sana sa Puerto Princesa ang nasabing pasahero.

Dahil live bullet ang nasabat sa lalaki, pansamantala itong pinigil at isasailalim sa inquest dahil wala rin itong naipakitang firearm license at permit to carry firearms outside residence.

Read more...