Exclusion zone at No sail zone iiral na sa Manila Bay

Manila-bay-sunsetIdineklara na simula ngayong araw ang Exclusion zone at No sail zone sa Manila Bay.

Kasama rin sa deklarasyon ng Task Group Maritime Security ang bahagi ng Pasig River para sa gaganaping APEC Summit sa susunod na linggo.

Ayon kay Commodore Joel Garcia, itinalagang hepe ng Task Group Maritime Security at kasalukuyang Commander ng Coast Guard District NCR-Central Luzon, sa ilalim ng kanilang contingency plan masasakop ng exclusion zone ang 2-nautical miles mula sa shoreline patungo ng Manila Bay at mula Pasig River hanggang sa baybayin ng Parañaque.

Sakop naman ng No-sail zone ang tatlumpung yarda mula shoreline patungo sa gitna ng Manila Bay.

Magiging limitado o restricted ang paglalayag ng anumang sasakyang pandagat sakop ng exclusion zone pero maaari naman humingi ng permiso mula sa task group kung kinakailangan.

Kaugnay nito, nakaalerto rin ang Task Group Maritime Security sa Pasig River kung saan nakabantay sa mga tinnatawag na ‘critical infrastructures’ tulad ng tulay at mga informal settlers na naninirahan sa nabanggit na mga lugar.

Read more...