Suspendido ang lahat permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) sa Metro Manila sa loob ng isang linggo sa panahon ng APEC summit.
Ito ang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Director General Ricardo Marquez bilang bahagi pa rin ng pagpapatupad ng seguridad sa gaganaping APEC Leader’s meeting sa bansa.
Ayon kay Marquez, suspendido ang lahat ng permit to carry firearms mula November 16 hanggang 20 o sa loob ng limang araw.
Ibig sabihin, simula sa Lunes, bawal magdala ng armas o bawal ilabas ng bahay ang armas kahit pa mayroong hawak na permit to carry ang may-ari nito.
Sinabi ni Marquez na tanging mga tauhan lamang ng PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at law enforcement agencies on-duty ang papayagan na magdala ng kanilang armas sa nabanggit na mga petsa.