Malalagdaan na sa loob ng susunod na tatlong buwan ang kasunduan sa pagitan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at non-OPEC ang kasunduang magbabawas sa produksyon ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay United Arab Emirates (UAE) energy minister Suhail al-Mazrouei, makalipas ang anim na buwan ay muling pag-aaralan ng mga bansa ang kasunduan upang mapagpasyahan kung palalawigin ba ito.
Nauna nang sinabi ng OPEC at non-OPEC, kabilang ang bansang Russia na babawasan nila ang oil supply ng 1.2 milyong bariles kada araw.
Sa panig ng OPEC, sa pangunguna ng Saudi Arabia, babawasan nila ang produksyon sa 800,000 barrels per day, habang ang non-OPEC members naman sa pangunguna ng Russia ay magbabawas ng 400,000 barrels per day.