Ms. 4.2 na lindol tumama sa Surigao del Norte

Naramdaman ang magnitude 4.2 na lindol sa bayan ng General Luna sa Surigao del Norte.

Batay sa abiso ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-3:33 ng madaling araw.

Naitala ang sentro ng lindol sa dagat na sakop ng General Luna, partikular sa layong 29 kilometro.

May lalim na 14 na kilometro ang pagyanig at tectonic ang origin.

Walang inaasahang pagkasira ng mga ari-arian o aftershocks ang lindol.

Read more...