2019 national budget tiyak na maidedepensa ni DBM Sec. Diokno

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malacañan na maidedepensa ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang 2019 national budget na inaakusahang may nakasingit na pork barrel funds.

Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng nakatakdang pagharap ngayon ni Diokno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaaring nalilito lamang ang mga mambabatas ukol sa pambansang budget kung kaya ipinatawag ang kalihim.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na pinagpaliwanag na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ukol sa alegasyon ni Senador Ping Lacson na may isingit itong P2.4 bilyong pork barrel funds para sa kanyang distrito sa Pampanga

Read more...