Energy Efficiency Bill, pasado na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas tungkol sa pagtitipid ng energy resources ng bansa.

Sa botong 199 Yes at zero No, naaprubahan sa huling pagbasa ang House Bill 8629 o ang Energy Efficiency and Conservation Act na layong isulong ang pagtitipid at wastong paggamit ng energy resources at mabawasan ang masamang epekto nito sa kapaligiran.

Sa ilalim ng panukala, hinihikayat ang paggamit nang wasto sa energy resources at sustainable development.

Binibigyang mandato dito ang Department of Energy (DOE) na manguna sa development at pagpapatupad ng mga plano at programa para sa sapat at stable na energy supply sa bansa.

Isinusulong din dito na maiwasan ang negatibong epekto ng pagtaas ng presyo ng imported fuels na karaniwang pinagkukunan ng energy source na nakakaapekto sa pagtaas din ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Pinatitiyak din ang pagsunod ng mga business sector, LGUs at pagbuo ng national awareness at advocacy campaign sa conservation ng energy resources.

Pinagsusumite rin ang DOE ng annual report kaugnay sa status ng implementasyon ng energy efficiency and conservation plans.

Read more...