Pangulong Duterte, hindi na sasalubong sa pagdating ng Balangiga Bells sa Pasay

Nagpalabas na ng abiso ang Palasyo ng Malakanyang na hindi na tuloy ang pagsalubong bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating ng Balangiga Bells sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sinunod lamang ng pangulo ang paalala ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa halip, ayon kay Panelo, magtutungo na lamang ang pangulo sa December 15 para sa turn over ceremony sa St. Lawrence The Martyr Church sa Balangiga, Eastern Samar kung saan orihinal na nakalagay ang mga kampana bago inagaw ng mga Amerikanong sundalo noong 1901.

Pero ayon kay Lorenzana, hindi niya alam kung bakit mas pinili ng pangulo na magtungo sa Balangiga kaysa salubungin ang mga kampana bukas sa Villamor airbase.

Iginiit pa ni Lorenzana na sumusunod lamang siya sa utos ng Malakanyang.

Base sa abiso kahapon ng Malakanyang, 1:30 ng hapon ay sasalubungin ng pangulo ang pagdating ng Balangiga Bells mula Amerika.

Tuloy naman aniya ang seremonyas bukas sa Villamor Airbase.

Read more...