Sa ilalim ng EO ay magiging institutionalized na ang Whole Nation Approach Policy para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng New People’s Army (NPA).
Inaatasan ng pangulo ang task force na unahin at ayusin ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo at social development sa komunidad na nanganganib dahil sa nagaganap na kaguluhan sa bansa.
Nabatid na ang task force ay pamamahalaan ng Office of the President kung saan tatayong chairman ang pangulo ng bansa at tatayo namang vice-chairman ang national security adviser habang miyembro naman ang iba pang tanggapan ng pamahalaan kabilang ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), Department of National Defense (DND), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Presidential Adviser on the Peace Process at maraming iba pa.
Kabilang naman sa magiging kapangyarihan ng nasabing task force ay bumuo at ipatupad sa tulong ng kinauukulang national government agencies at local government units, civil society at iba pang stakeholder ang Whole Nation Approach-Driven National Peace Framework.
Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang local chief executives na magsagawa ng local peace engagements, negotiations at interventions.
December 4,2018 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang EO.