Korean national na 1-taon na nagtago sa Pilipinas arestado ng BI

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang 48-anyos na Korean national na tumakas sa kanilang bansa para makaiwas sa pagkakakulong matapos mahatulan sa kasong swindling sa Korea.

Sa ulat na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli sa Clark Freeport Zone sa Olongapo City ng mga tauhan ng Immigration Fugitive Search unit si Chong Won Sok.

Inaresto si Chong Won Sok sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng immigration bureau dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien

Sinabi ni Immigration intelligence officer Bobby Raquepo, dumating sa bansa si Chong noong Marso ng 2017 para magtago.

Pinoproseso na pag-blacklist sa dayuhan at ang deportation procedure nito para ibalik sa kanyang bansa para harapin ang kanyang sentensya doon.

Read more...