Kahit nakapagpiyansa na sa kaniyang kasong libelo, hindi maaring basta-basta umalis ng bansa si Senator Antonio Trillanes IV para sa kaniyang biyahe sa abroad bukas, Dec. 11.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), kailangan ni Trillanes na magpaalam muna sa Davao Regional Trial Court (RTC) gaya ng ginawa niya sa Makati RTC Branch 150.
Noong Sept. 25, 2018 ay nakapagpiyansa si Trillanes sa Makati RTC, gayunman, naghain pa rin siya ng mosyon noong Nobyembre para hilinging payagan siyang magbiyahe sa Europe at US.
Sinabi ng DOJ na dahil may kasong kriminal din si Trillanes sa Davao RTC Branch 54, kailangan pa rin niyang hilingin sa hukuman na payagan syang makabiyahe abroad.
Pero ayon sa DOJ, sa oras na maghain ng motion to travel abroad si Trillanes ay igigiit ng DOJ ang pagiging travel risk ng senador dahil sa mga ksong kinakaharap nito sa iba’t ibang korte sa bansa.