Administrasyong Duterte mananatiling matigas ang puso kontra sa ilegal na droga

Unrelenting o mananatiling matigas ang puso ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa ilegal na droga, kriminalidad at insurgency sa bansa.

Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika-70 taon ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR).

Sa mensahe ni Executive Secretary Salvador Medialdea, chairman ng presidential human rights committee, sinabi nito na bawat administrasyon ay mayroong sariling diskarte para itaguyod ang karapatang pantao ng bawat isa.

Ayon kay Medialdea, naka-angkla ang kasalukuyang administrasyon sa temang “protecting human lives, uplifting human dignity and advancing peoples progress.

Tiniyak naman ni Medialdea na bagamat ibinabato ang administrasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao, patyuloy pa ring paiiralin sa bansa ang rule of law at iaangat ang dignidad ng bawat Filipino.

December 10, 1948 nang maging unang signatory ang Pilipinas sa UDHR.

Read more...