Kabilang sa mga security official na nagsagawa ng briefing sa mga senador ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, at AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez Jr.
Ito ay kaugnay ng rekomendasyong palawigin pa ng isang taon ang martial law sa Mindanao na nakatakdang matapos ngayong 2018.
Ang naturang rekomendasyon ng AFP at ng PNP ay inaprubahan ni Pangulong Duterte na siya namang nagpadala ng liham sa Senado at Kamara para hilingin ang pagpapalawig sa batas militar.
May 2017 nang isailalim sa martial law ang Mindanao dahil sa pag-atake ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City.