Programa para sa pagbebenta ng murang bigas at asukal sa supermarkets inilunsad ng DTI

DTI photo

Inilunsad na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang PRD o Presyong Risonable Dapat Program sa Robinsons Galleria Supermarket.

Sa ilalim ng naturang programa ang mga supermarket ay magbebenta na rin ng murang commercial rice.

Ayon sa DTI, mabibili na ngayon sa Robinsons Supermarkets ang commercial rice na ang halaga ay nasa pagitan ng P34 hanggang P39 lang ang kad akilo.

Bahagi din ng PRD Program ang refined sugar na ang halaga ay P50 per kilo

Sa launching sa Robinsons, dumalo si DTI Sec. Ramon Lopez, sina Lance Gokongwei at Robina Gokongwei ng Robinsons at si SRA Administrator Hermenegildo Serafica.

Read more...