Marian Rivera itinanghal na Best Actress sa 8th Overseas Filipino Workers (OFW) Gawad Parangal

IG photo

Itinanghal na Best Actress ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI) para sa 8th Overseas Filipino Workers (OFW) Gawad Parangal ang Kapuso aktres na si Marian Rivera.

Sa kaniyang Instagram, pinasalamatan ni Marian ang award-giving body para sa pagkilala.

Ang Best Actress award ay para sa pagganap ni Marian sa episode ng seryeng “Tadhana” na mayroong titulong “Milya-milyang Agwat ng Mag-ina” na ang mister niyang si Dingdong Dantes ang direktor.

Pinasalamatan din ni Marian ang kaniyang mister sa suporta at paggabay sa kaniya.

Ang “Tadhana” na si Rivera din ang host ay itinanghal naman bilang OFW’s Choice Awardee para sa Best OFW Stories Program.

Habang si Dindong ay nagwagi naman bilang Best Documentary Host para sa informative show ng GMA na “Amazing Earth.”

Read more...