Patay sa aksidente ang presidente ng Sangguniang Kabataan Federation sa Malolos, Bulacan.
Nakilala ang biktima na si Marc Paulo San Diego Manaysay, 24 anyos na SK kagawad sa Malolos.
Nangyari ang aksidente sa Brangay Sto. Niño alas 2:00 ng madaling araw ng Lunes, Dec. 20.
Ayon sa ulat ng Plaridel Police, bumangga ang minamanehong sports car ni Manaysay sa tatlong bahay at isang jeep sa lugar.
Wasak na wasak ang sports car at tumilapon pa ang ilang bahagi nito.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES