Coast guard sinimulan na ang pag-monitor sa mga bumibiyaheng pasahero ngayong Kapaskuhan

Coast Guard File Photo

Nagsimula na ang taunang monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga bumibiyaheng pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ito ay bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018 ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa PCG, mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Dec. 10 nakapagtala na ng 19,509 na mga pasaherong bumiyahe.

Pinakamaraming bilang ng mga bumiyahe ay sa pantalan sa Davao na umabot sa 8,507; sinundan ng mga pantala sa Central Visayas– 2,836; Western Visayas – 2,795; Southern Tagalog – 1,955; Bicol- 1,459; Southern Visayas – 863; Northern Mindanao – 742; Eastern Visayas – 258; at Palawan – 94.

Read more...