Dito inoobliga ng Kamara si Diokno na humarap sa question hour para sagutin ang mga katanungan ng mga kongresista kaugnay sa deliberasyon ng panukalang P3.757 trillion na 2019 national budget.
Ipinadadala din kay Diokno ang mga mahahalagang dokumento tulad ng disbursements, releases at office memos sa lahat ng ahensya ng gobyerno.
Ayon sa may-akda ng panukala na si House Minority Leader Danilo Suarez, napakahalaga ng pagharap ni Diokno sa question hour lalo pa’t lumutang ang isyu ng budget insertions at posibilidad ng reenacted budget.
Sa House Resolution 2307 na inadap ng Kamara, hinihiling ang pagharap at kooperasyon ni Diokno sa Question Hour partikular sa mga katanungan sa budget sa halalan sa susunod na taon.
Nakasaad sa 1987 Coonstitution at sa Rules ng Kamara na maaaring hilingin na paharapin ang mga Kalihim ng mga departamento at komprontahin sa ilang mga paglilinaw sa isyu sa kani-kanilang mga tanggapan.