Independent foreign policy ng Pilipinas, pinasusuri kay CPP founding chairman Jose Maria Sison

Pinayuhan ng Malakanyang si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na umuwi ng Pilipinas para personal na busisiiin ang independent foreign policy ng bansa.

Pahayag ito ng Malakanyang matapos sabihin ni Sison na maaring magkautang ang China sa Pilipinas ng $177 Bilyon bilang upa at bayad sa danyos sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, batid kasing walang alam si Sison sa tunay na kalagayan ng Pilipinas dahil sa mahigit tatlong dekada ng marangyang pamumuhay sa Europa.

Bwelta ni Panelo, ang tinutukoy ni Sison na artikulo ay isinulat noon pang July 15, 2016 o dalawang linggo bago pa man nanungkulan sa puwesto si Pang. Duterte.

Dapat aniyang itigil na Sison ang kanyang propaganda habang malayo sa bansa.

Dagdag pa ni Panelo na dapat ay tanggapin na ni Sison na ang kanyang pangarap na magkaroon ng political power ay natapos na.

Read more...