OFW na nahulihan ng bala sa NAIA pinayagan nang makaalis patungong Taiwan

naia2 tanim bala grig montegrande
File Photo / Grig Montegrande

Pinayagan nang makaalis patungong Taiwan ang isang Overseas Filipino Worker na nahulihan ng bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Makakaalis na ngayong araw patungong Taiwan si Boiden Ballalo.

Si Ballalo ay nahulihan ng bala ng caliber 22 noong Miyerkules bago ang kaniyang flight.

Nagpasalamat naman ang mismis ni Ballalo na si Ginang Rose sa pagtulong sa kanilang Public Attorney’s Office o PAO at ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC.

Sinabi ni Rose Ballalo na tinulungan din sila ng OWWA para agad makabalik ng trabaho sa Taiwan ang kaniyang mister.

Ayon sa Ginang, hindi ikinulong sa headquarters ng PNP Avsegroup ang kaniyang asawa matapos na mamagitan si PAO Chief Persida Acosta.

Ang bala ay nakita sa secret pocket ng pitala ni Ballalo na ginagamit umano niya bilang anting-anting.

Read more...