Task Goup Maritime Security na magbabantay sa karagatan sa panahon ng APEC, nai-deploy na

Pinangunahan ni Philippine National Police Director Gen. Ricardo Marquez ang send-off ceremony sa mga miyembro ng Task Group Maritime Security na magbabantay sa karagatan sa kasagsagan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ang task group ay binubuo ng magagaling na mga opisyal at mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Naval Forces Central ng Philippine Navy at ng PNP-Maritime Group.

Sinabi ni Marquez na ang nasabing task group ang naatasang tiyakin ang kaligtasan ng mga delegado ng APEC sa pamamagitan ng pagbabantay sa karagatan.

Una nang binuo ang Interagency Maritime Security Unit para siguruhing ligtas ang karagatan na nakapalibot sa mga lugar na pagdarausan ng APEC summit.

Ang nasabing task unit ay magtatalaga ng 400 na tauhan at mga floating assets.

Read more...