Pamahalaan ng Saudi tumangging ibigay sa kostodiya ng Istanbul ang dalawang na opisyal na suspek sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi

Walang balak ang pamahalaan ng Saudi Aribia na ipa-extradite ang dalawa nilang mataas na opisyal na suspek sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi.

Ito ay makaraang hilingin ng chief prosecutor sa Istanbul ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa dalawang opisyal ng Saudi.

Noong nakaraang linggo, sa naging pasya ng piskalya sa Istanbul, malaki ang posibilidad na sina Saud al-Qahtani, top aide ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman at General Ahmen al-Asiri na dating deputy head ng foreign intelligence ay kabilang sa mga nagplano ng pagpatay kay Khashoggi noong October 2 sa konsulada ng Saudi sa Istanbul.

Dahil dito, kailangang madala sa Istanbul ang dalawa para maharap ang kanilang kaso.

Gayunman, sa pahayag ng Saudi Foreign Ministry Office sinabing hindi sila nag-e-extradite ng kanilang mamamayan.

Hindi rin inilahad ng pamahalaan ng Saudi kung ano ang estado ng dalawang nabanggit na opisyal sa kanilang bansa sa ngayon.

Tumanggi rin ang Saudi Foreign Ministry Office na sagutin kung nakalalaya ba ang mga ito o nakakulong.

Read more...