Margielyn Didal napasama sa 25 most influential teens ng Time Magazine

Kasama ang Asian Games gold meadalist na si Margielyn Didal sa listahan ng 25 Most Influential Teens of 2018.

Naging tanyag ang 19-anyos na skateboarder mula Cebu City makaraang mag-uwi ng gintong medalya sa women’s skateboarding competition sa 2018 Asian Games.

Nakasaad sa inilathala ng Times ang kwento kung paano nagsimula sa skateboarding si Didal hanggang sa pagkakapanalo nito.

Kahanay ni Didal sa listahan ang mga aktres na sina Millie Bobby Brown, Storm Reid, Kiernan Shipka, Joey King at ang Korean boy group na NCT Dream.

Noong dalawang nagdaang taon, dalawang pinoy din ang nakapasok sa taunang listahan ng Times, ito ay sina Shibby De Guzman at Bretman Rock.

Read more...