Simula January 1 hanggang Dec. 4, 2018 ay 30 beses na ang naipatupad na dagdag sa presyong gasolina at diesel at 27 beses sa kerosene.
18 beses naman ang ipinatupad na rollback sa presyo ng gasolina at tig-19 na beses sa diesel at kerosene.
Kung susumahin, sa naturang mga paggalaw sa presyo mula noong Jan. 1 hanggang Dec. 4, 2018, umabot sa P21.17 ang nadagdag sa kada litro ng gasolina at P18.65 kada litro naman ang nabawas.
Sa diesel, P22.30 kada litro ang naging dagdag habang P17.60 ang nabawas.
At sa kerosene naman, P21.08 ang naging dagdag sa kada litro at P17.72 naman ang naibawas.
Kasama na sa nasabing mga presyo ng paggalaw ang dagdag dahil sa excise tax.