Walang namamataang sama ng panahon ang PAGASA sa buong bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Sa 4am update ng weather bureau, Hanging Amihan at Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.
Dahil sa Amihan, makararanas pa rin ng mauulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay inaasahan ang pulo-pulong mahinang pag-ulan dahil pa rin sa Amihan.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon dahil sa Easterlies na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Mapanganib ang paglalayag ngayong araw sa mga baybayin sa Batanes, Calayan, Babuyan at Ilocos Provinces kung saan posibleng umabot ang mga alon hanggang sa 4.5 meters.